by Mayor Jesse Robredo
Published in Abante, September 27, 2009
Magmula nang magsimula ang aming grupong Kaya Natin, ilang
paaralan na rin ang aming napuntahan at libu-libo na ring mga kabataang
Pilipino ang nakarinig ng aming mga kuwento tungkol sa maayos na
pamamalakad at pagbabago. Gaya ng parating sinasabi ng aking kasamahang
si Gov.
Grace Padaca ng Isabela, naniniwala rin ako na ang
kabataan ay ang isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan na
kailangan nating bigyang pansin kung nais nating humalal ng mga mabuti,
matino at magagaling na lider sa nalalapit na eleksyon sa 2010.
Dalawa
sa mga kabataang tumutulong sa amin sa Kaya Natin ay sina Cristyl
Senajon at Kai Pastores. Kakatapos pa lamang nila sa kolehiyo nang
magsimula silang tumulong sa amin sa pagsusulong ng aming mga adhikain.
Si Cristyl o Tyl ay nagtapos bilang Valedictorian ng Ateneo de Davao
University habang si Kai naman ay nagtapos na Cum Laude sa Ateneo De
Manila University. Dahil nakatapos sila sa magagling na paaralan
siguradong madali silang makakahanap ng trabahong magbibigay sa kanila
ng mataas na sweldo ngunit pinili pa rin nilang maglingkod sa Ateneo
School of Government at sa Kaya Natin.
Malaki talaga ang
naitulong nilang dalawa sa pagsusulong ng aming kilusan na humihikayat
sa bawat mamamayang Pilipino na humalal ng mga lider na isasantabi ang
kanilang sariling interes at uunahin ang kapakanan ng nakakarami at
mahihirap. Ipinakita nina Tyl at Kai na kahit sila ay bata pa, pwede na
silang maging malaking bahagi ng pagbabagong minimithi nating lahat.
Sana
tularan at maging mabuting halimbawa sila sa iba pang mga kabataang
Pilipino na makilahok at makisangkot sa paghubog ng mabuting kinabukasan
para sa ating bayan.
Kabataan din ang magiging susi sa kampanya
nina Senador Noynoy Aquino at Senador Mar Roxas na ngayon ay tumatakbo
sa plataporma ng tunay na reporma at pagbabago. Ngayon pa lamang marami
akong mga kaibigan na nagsabing ang kanilang mga anak ay pumila ng ilang
oras upang makapagrehistro dahil gusto nilang suportahan at iboto ang
tambalang Aquino-Roxas. Ilang lider kabataan na rin sa mga malalaking
paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nag-umpisa nang kumalap ng
mga volunteer para sa kampanya nina Noynoy at Mar. Nakakatuwa na tila
nabibigyan ng bagong pag-asa at lakas ang mga kabataan dahil na rin sa
tambalang Aquino-Roxas.
Sa aking pagkakakilala sa dalawang ito,
sigurado akong hindi nila bibiguin ang mga kabataang Pilipino tulad nina
Tyl at Kai na nagnanais makakita ng bagong Pilipinas sa mga susunod na
taon.
No comments:
Post a Comment